Isang malaking hamon para kay Mocha Uson ang pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong board member ng Movie and Television Review and Classification Board o MTCRB.
Sinabi sa DWIZ ni Uson na kabilang sa kanyang isusulong ay tanggalin ang soft porn sa mga teleserye.
Binigyang-diin ni Uson na marami na siyang reklamong nakukuha mula sa mga magulang sa pamamagitan ng kanyang blog na humihiling na maialis ang mga malalaswang eksena sa bawat teleserye.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Uson
Bumuwelta rin si Uson sa mga hindi sang-ayon sa pagkakatalaga sa kanya sa nasabing posisyon.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Uson
Volunteer
Samantala, hindi tatanggap ng suweldo ang bagong talagang MTRCB Board Member na si Mocha Uson.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Uson na mayroon na silang usapan na tatanggapin niya ang nasabing alok ng walang sahod dahil naniniwala aniya siya sa boluntarismo.
Idinagdag pa ni Uson na kung mayroon man siyang suswelduhin, ido-donate niya ito sa DSWD centers at maging sa Duterte’s Kitchen kung saan namamahagi sila ng pagkain sa mga mahihirap.
Bahagi ng pahaayg ni Ms. Mocha Uson
Kasabay nito, kinumpirma ni Uson na sisimulan na niya ang kanyang trabaho bilang board member ng MTRCB sa susunod na linggo.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Uson
“Nagbago na ang Mocha Girls matagal nang ni-reformat ang performance”
Samantala, nilinaw ng bagong talagang board member ng MTRCB na si Mocha Uson na tuloy pa rin ang mga show nila sa mga susunod na araw.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Mocha na patutunayan nilang matagal nang nagbihis ang Mocha Girls na kinabibilangan niyang grupo.
Ayon kay Mocha, malaki na ang ipinagbago ng kanyang grupo at matagal nang ni-reformat ang kanilang show at programa.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Mocha Uson
By Meann Tanbio | Jelbert Perdez | Ratsada Balita