Nagbabala ang Ecowaste Coalition laban sa pagbili ng mga hindi rehistradong pamatay peste sa bahay.
Ayon sa grupo, karamihan sa mga ito ay made in China at nagtataglay ng cypermethrin na nakakamatay kahit sa mga friendly insects, alagang hayop at maging sa tao.
Tatlo sa mga natuklasan nilang mga mapanganib na pamatay peste ay dati nang ipinagbawal ng Food and Drug Administration o FDA noon pang 2013.
Gayunman, sa paglilibot umano ng Ecowaste Coalition, natuklasan nilang nananatili sa pamilihan ang tatlong pamatay peste na Baolilai, Big Bie Pai at Trianshi Insect Sprays.
Ilan pa sa mga aeorsol sprayers mula sa China na sinasabing nakakalason ay ang angel insecticide aerosol lemon at rose, bidia aerosol, jin ma insect killer jasmin at sunflower, kingever aerosol, palaka insecticide, sargent insecticide, power boss at tang boss aerosol.
Nagpadala na sa FDA ang Ecowaste Coalition upang hingin ang agarang aksyon sa pagkalat ng mga illegal na produkto ng China.
By Len Aguirre