Nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng Office of The Ombudsman na sibakin si Commission on Higher Education Executive Director Julito Vitriolo.
Sinabi ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar na may pagkakataon si Vitriolo para ipagtanggol ang sarili at linisin ang pangalan sa isyung iniakusa sa kanya.
Idinagdag pa ng Palasyo na ginagalang nila ang pagiging independent ng Ombudsman at paggampan sa mandato nito.
Dinismis ng Ombudsman si Vitriolo dahil umano sa gross negligence bunsod ng kabiguang imbestigahan at bagkus ay hinayaan ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM na mag-isyu ng diploma at Transcript of Records sa isang suspendidong education program.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping