Muling magpapatupad ng oil price adjustment ang mga kumpaniya ng langis sa ikalawang sunod na linggo ngayong Enero.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa sampu (P0.10) hanggang dalawampung (P0.20) sentimos ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Subalit ang good news, posible namang magbaba ang presyo ng kerosene na maglalaro mula sampu (P0.10) hanggang dalawampung (P0.20) sentimos kada litro.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na nagpatupad ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis mula noong Disyembre ng nakalipas na taon.
By Jaymark Dagala