Nalusutan ng defending champions San Miguel Beermen ang kanilang sister team na Ginebra Gin Kings upang mapanatili ang pamamayagpag sa number 1 spot ng All-Filipino Cup ng PBA.
Tinalo ng Beermen ang Ginebra sa score na 72-70 sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kahapon.
Naging susi sa panalo si Arwind Santos na kumamada ng “double-double” 10 points at 12 rebounds.
Nagkaroon ng tsansa ang Gin Kings na puwersahin ang overtime sa nalalabing 11 seconds subalit na-harang ni santos ang floater ni LA Tenorio ng Ginebra.
Hawak na ng SMB ang 7-1 record habang nasa bottom 4 o nasa 9th spot ang Ginebra sa kartadang 3-4.
By Drew Nacino