Apat (4) na transmission facilities ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Mindanao ang apektado ng bagyong Auring.
Ayon sa NGCP, kabilang sa mga naapektuhang pasilidad ay ang Puerto-Damlag 34.5 kilovolt line na pinagkukuhanan ng suplay ng Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. o BUSECO at ang 69-kilovolt STL Placer-Surigao Facility.
Ipinabatid ng NGCP na minamadali na nila ang pagsasaayos ng mga nasirang linya at pasilidad.
By Meann Tanbio