Halos 900 na ang dinala at nilapatan ng lunas sa first aid station ng PRC o Philippine Red Cross.
Ito ay sa gitna pa rin ng traslasyon ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Sa huling tala ng PRC, 576 katao ay nakaranas ng pagtaas ng blood pressure habang higit 300 naman ang nakaranas ng iba’t ibang sakit tulad ng pagkahilo, pananakit ng ngipin, sugat, stiff neck at iba pa.
4 naman ang inirekomendang madala sa pagamutan dahil sa pananakit ng tiyan, hypertension at tinamong bali sa katawan.
By: Rianne Briones