Pumapalo sa halos 9,000 ang na-stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Auring.
Batay sa datos ng Philippine Coast Guard, 8,767 ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa na naapektuhan ng bagyo.
Kabilang din sa stranded ang 463 rolling cargoes, 173 na vessels at 60 motorbancas.
Matapos namang alisin ang umiiral na public storm warning signal number 1, unti-unti nang makabibiyahe ang mga stranded na barko.
Dahil dito, sinabi ng coast guard na ngayong araw na ito, makakabiyahe na rin ang mga stranded na pasahero, maliban na lamang sa mga lugar na nakataas ang gale warning.
By: Meann Tanbio