Pinagtibay ng isang Egyptian court ang parusang bitay sa napatalsik na si Islamist President Mohamed Morsi dahil sa mga jailbreaks at pag-atake sa mga pulis sa naganap na pag-aaklas noong 2011.
Maliban dito, sinentensiyahan din ng korte si Morsi ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa paniniktik sa Palestinian Hamas Movement, Shiite Hezbollah ng Lebanon at Iran.
Noong Abril ay ginawaran din si Morsi ng 20 taong pagkakabilanggo ng isa pang korte dahil sa kasong “inciting violence” laban sa mga nagpo-protesta noong ito’y Pangulo pa ng naturang bansa.
By Jelbert Perdez