Dudurugin ng militar ang Abu Sayyaf at Maute groups sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon upang matuldukan na ang mga insidente ng kidnapping at pambobomba sa Mindanao.
Ito ang tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng mga sinasabing terror threat sa pista ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ayon kay Lorenzana, nakumbinse si AFP Chief of Staff, Gen. Eduardo Año na maglatag ng timetable upang ma- contain ang dalawang terrorist groups.
Sa pamamagitan anya ito ng malaking organizational changes sa Western Mindanao Command na may hurisdiksyon sa mga balwarte ng ASG at Maute.
Para naman mapalakas ang pwersa ng militar, inihayag ng kalihim na mag-re-recruit ang AFP ng 10,000 sundalo ngayong taon.
By Drew Nacino