Sumampa na sa mahigit dalawampu (20) ang sugatan sa sunog sa isang LPG refilling station sa barangay San Miguel, Pasig City.
Dakong alas-1:00 kaninang madaling araw nang umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog sa Regasco Refilling Station na sinundan ng pagkalat ng apoy sa kanilang Flying V station sa Sandoval Avenue.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas sa ika-limang alarma ang sunog habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagsabog.
Tinaya naman sa dalawampung (20) milyong piso ang halaga ng napinsala o naabong ari-arian.
By Drew Nacino | Report from: Jopel Pelenio (Patrol 17)