Sinasabing 5 beses na peligroso ang Metro Rail Transit o MRT line 3 kumpara sa mga train systems sa Estados Unidos ayon sa grupo ng mga scientist.
Batay sa ginawang pag-aaral ng Advocates of Science and Technology for the People o AGHAM, mula noong 2013, 3 sa bawat 100 milyong pasahero ang naitatalang injury kumpara sa halos .07 injuries na naitatala sa American Light Rail.
Sinabi rin ng grupo na sa simula pa lamang ng 2015, 15 aberya na ang naitatala habang tatlo ang nasusugatan dahil sa MRT.
Ayon kay Engr. Archie Orillosa, ang kapabayaan sa pamamahala ng tren ang siyang ugat ng mga nangyayaring aberya ngayon sa MRT.
Bagama’t batid aniya ng mga inhinyerong Pinoy ang problema wala ni isa man ang sumusuporta para maayos ito.
Dahil dito, sinabi ni Engr. Orillosa na ang safety record ng MRT ay sintomas ng mas malalim na problema sa pamamahala.
By Jaymark Dagala