Posibleng mapilitan ang Pilipinas na umangkat ng mas mahal na Vietnamese rice upang mapaghandaan ang lean season.
Ito’y matapos muling ideklara ng NFA o National Food Authority ang “failed bidding” para sa pagbili ng 100,000 metric tons na bigas na pandagdag sa stock ng ahensya.
Nangangailangan ang NFA ng 250,000 mt ngayong taon, subalit 150,000 mt lamang ang nakuha nito sa nakaraang auction kaya’t kapos ito ng 100,000 mt.
Tanging ang Vietnam ang nag-offer ng mababang well-milled white rice sa halagang $417 kada metro tonelada o mahigit 17,000 piso.
Gayunman, sinasabing mataas pa rin ito kumpara sa price ceiling ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $408.14 per metric ton ng nasabing uri ng bigas.
By Jelbert Perdez