Matatanggap na ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police (PNP) at iba pang civil servant ang ikalawang bahagi ng dagdag-sweldo, simula ngayong taon.
Epektibo simula Enero 1, epektibo ang National Budget Circular 568 ng Department of Budget and Management at Local Budget Circular 113 alinsunod sa Executive Order 201.
Ang EO 201 ay nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino matapos mabigong ipasa ng 16th Congress ang kanyang proposed Salary Standardization Law 4.
Sa ilalim nito ay magpapatupad ng apat na tranche ng compensation adjustment ang mga government worker at dagdag allowances para sa militar at uniformed personnel nang apat na tranches.
Bukod sa mga military at uniformed personnel, kabilang din sa salary increase ang mga teacher at health worker.
By Drew Nacino