Naunsyami ang nakatakdang paglilitis sa kasong plunder case ni Senador Bong Revilla ngayong araw.
Ito ay makaraang kanselahin ng Sandiganbayan First Divison ang plunder trial laban kina Revilla at Chief of Staff nitong si Richard Cambe dahil sa hindi pa naisasapinal ng prosekusyon ang pre-trial order.
Ayon kay Justice Efren de la Cruz ito ang dahilan kayat hindi nakapagpatawag ng pormal na paglilitis ang Sandiganbayan.
Dahil dito, muling itinakda ng Sandiganbayan ang paglilitis simula Pebrero 9.
Matatandaang nag-ugat ang kaso ni Revilla sa maanomalya umanong paggamit nito ng kanyang pork barrel fund.
By Ralph Obina | Report from: Jill Resontoc (Patrol 7)