Pinaghahandaan na rin ng Police Regional Office 11 ang posibleng pagbigat ng daloy ng trapiko dahil sa mga isasagawang malalaking events sa lungsod ng Davao.
Ilan sa mga okasyon na gaganapin sa lungsod ay ang ASEAN Summit at pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe 2017.
Ayon kay Regional Director PSSUPT. Manuel Gaerlan na nakipag-coordinate na sila sa Davao City Traffic and Transportation Management Office at Highway Patrol Group upang maisaayos ang takbo ng trapik sa lungsod.
Aniya isa sa dahilan ng trapik sa lungsod ay ang mga ongoing road projects ng DPWH subalit nasabihan na umano nila ang mga contractors na bilisan ang pagtapos ng mga proyekto o di naman kaya’y lagyan ng mga steel plates.
Maliban dito pinapapatanggal na din nila sa mga business establishments ang mga obstruction gaya ng mga advertisement at sign boards na nakabalagbag sa kalsada.
By Jandi Esteban