Nakabisita na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa bahay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.
Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, inabot ng 45 minuto ang paglilibot ni Abe sa bahay ng Pangulo.
Inakyat mismo ni Abe ang kuwartong tinutulugan ng Pangulong Duterte na ipinakita pa ang luma at bagong kulambo na kanyang ginagamit.
Kabilang naman sa mga pinagsaluhan sa agahan nina Pangulong Duterte at Abe ay biko, suman, kutsinta at mongo soup na inihanda umano ng common law wife ng Pangulo na si Honeylet Avancenia.
Ang Pangulo ay nakasuot ng checkered polo shirt samantalang puting plain polo shirt naman ang suot ni Abe.
(Photos from: Sec. Bong Go)
By Judith Larino | Reports from: Jandi Esteban and Aileen Taliping (Patrol 23)