Aprubado ng mayorya ng Pilipino ang paglaban ng gobyerno kontra kriminalidad.
Batay sa survey ng Pulse Asia, walumpu’t apat (84) na porsyento ng mga Pinoy ang positibo sa criminality campaign ng pamahalaan, labindalawang (12) porsyento ang undecided habang apat (4) na porsyento lamang ang kontra dito.
Matatandaang ang anti-crime drive ng gobyernong Duterte ay bahagi ng giyera ng pamahalaan kotra ilegal na droga kung saan aabot na sa animnaraang (600) suspek ang napapatay sa ilalim ng lehitimong police operation o summary killings.
Ang naturang survey ay isinagawa sa may isanlibo dalawandaang (1,200) respondents noong a Disyembre 6 hanggang 11 ng nakaraang taon.
By Ralph Obina