Hindi tiyak kung magbabalik loob at ibaba ng lahat ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang armas.
Inihayag ito ni Congressman Celso Lobregat na nagsabing batay sa isang confidential letter sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, ilang porsyento pa lang ng kabuuang bilang ng armas ang ibababa at MILF combatants na magbabalik-loob sa gobyerno kapag ipinasa na ang panukala.
Ayon kay Lobregat, ang next phase o 30% ng mga armas ay isasauli pag naipasa ang batas at ang susunod na yugto o 35% ay kapag nabuo na ang Bangsamoro Police bago i-decommission ang nalalabi pang 35%.
Aarangkada naman aniya ang huling yugto ng decommissioning kapag naitayo na ang Bangsamoro authority at may nailuklok ng mga lider sa nasabing rehiyon.
Sinabi ni Lobregat na ang huling 35% ay kapag naipatupad na ang lahat ng mga napagkasunduan.
By Judith Larino