Posibleng maipasa na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty bago matapos ang Pebrero.
Ayon ito kay House Deputy Speaker Fredenil Castro, isa sa mga may pangunahing may-akda ng death penalty bill at handa aniya sila sa mahabang debate hinggil sa naturang usapin.
Hinimok naman ni Castro ang mga kapwa kongresista na hayaan na lamang ang kanilang mga kasamahan na kontra sa panukala na mag-interpellate.
Kasabay nito umapela si Castro sa media na tutukan ang mga argumento ng mga tutol at pabor sa death penalty bill.
By Judith Larino
Photo Credit: www.congress.gov.ph