Tutol si Vice President Leni Robredo sa pamamahagi ng condom ng Department of Health ng walang kaakibat na sex education.
Sinabi ni Robredo na delikado ang basta-bastang pamimigay ng condom sa mga kabataan dahil ang hakbang ay tila pagtataguyod ng kultura ng promiscuity o ang pakikipagtalik kung kani-kanino lang.
Ayon kay Robredo edukasyon pa rin hinggil sa Reproductive Health ang dapat maging priority kung saan freedom of informed choice ang magiging istilo.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)