Pinaalalahanan ni Senadora Risa Hontiveros ang Pangulong Rodrigo Duterte na mayorya ng mga Pilipino ang kontra sa muling pagpapatupad ng Martial Law.
Ito ay matapos muling magbanta ang Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng Martial Law kapag lumala ang problema ng bansa sa ilegal na droga.
Binigyang diin din ng Senadora na ang pagiging obbsessed ng Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng Martial Law para mas mapaigting ang kampanya kontra sa ilegal na droga ay taliwas sa ipinagmamalaki ng pamahalaan na tagumpay laban dito.
By: Katrina Valle / Cely Bueno