Sinasabatohe umano ng isa sa limang (5) narco generals ang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Gayunpaman, tumangging pangalanan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kung sino kina Police Director Joel Pagdilao, chief superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz, at retired generals Marcelo Garbo at Vicente Loot ang kanyang tinutukoy.
Ayon kay Dela Rosa, napatunayan nila na may padrinong mataas na opisyal si Senior Police Officer 3 Ricky Santa Isabel nang lumutang ang kaso niyang umano’y pagdukot sa isang koreanong negosyante.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal