Binigyang-diin ni Congressman Edcel Lagman na labag sa saligang batas ang pagbalewala sa Kongreso at Korte Suprema sa usapin ng deklarasyon ng batas militar.
Ito sinabi ng kinatawan kasunod ng panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na idedeklara niya ang martial law kapag lumala ang kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Lagman na malinaw sa probisyon ng saligang batas na hindi basta-basta makagagalaw ang Pangulo nang walang check and balance ang Kongreso at Korte Suprema.
Ipinaalala rin ng kinatawan na alinsunod sa konstitusyon, makapagdedeklara lamang ng martial law ang sinumang Pangulo ng Pilipinas kapag may pananakop at rebelyon at kung kinakailangan ito para sa kaligtasan ng publiko.
Aniya, wala namang nagaganap na pananakop at rebelyon sa bansa, at hindi sapat na dahilan ang suliranin sa iligal na droga upang ideklara ang batas militar.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc