Natanggap na ng NBI ang kopya ng warrant of arrest na inisyu sa pinaghihinalaang drug lord na si Kerwin Espinosa para sa kasong murder na inihain laban sa kanya.
Natanggap ng NBI ang dalawang (2) warrant of arrest na may lagda ni Baybay City RTC branch 14 Presiding Judge Carlos Arguelles.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng pinaghihinalaang drug lord sa Eastern Visayas maging ng mga kapwa niya akusado na Jesus Tolin alyas Loloy at Brian Anthony Zaldivar alyas Tony Pet.
Samantala, nasa kustodiya na ng NBI at nasa ilalim na ng witness protection program si Espinosa dahil itinuturing siya na mahalagang testigo sa pagtanggap umano ni Senador Leila De Lima ng drug money.
Ipinauubaya ng pulisya sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapasya kung paano maisisilbi kay Kerwin Espinosa ang warrant of arrest matapos matanggap ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mandamiyento.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco