Paiimbestigahan sa Senado ni Senate Committee on Health Chairman Risa Hontiveros ang insidente kung saan sa taxi na nanganak ang pasyente matapos tanggihan ng dalawang ospital.
Sinabi ni hontiveros na ito ay upang malaman kung biktima ng paglabag sa anti – hospital deposit law si Ira Arellano at ang anak nito.
Sa inisyal na imbestigasyon, tinanggihan ng isang pampublikong ospital sa Caloocan si Arellano dahil sa kawalan nito ng incubator para sa sanggol.
Inabutan na ng panganganak sa taxi si Arellano at muli itong hindi tinanggap ng isang pribadong ospital sa Fairview dahil sa hindi nito kayang magbayad ng deposit.
Maliban sa pagpapalakas sa anti – hospital deposit law, nais din hingan ni Hontiveros ang Department of Health (DOH) ng imbentaryo ng mga pasilidad sa pampublikong ospital.
By: Katrina Valle / Cely Bueno