Sumakabilang-buhay na ang kahuli-hulihang austronaut na nakatapak sa buwan na si Eugene Cernan.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration o NASA, si Cernan ay pumanaw sa edad na walumpu’t dalawa (82).
Si Cernan na retiradong US Navy Captain ay isa sa dalawang austronaut na nakatapak sa buwan nang dalawang beses.
Bilang commander ng Apollo 17, si Cernan ang nanguna sa pinakahuling misyon sa buwan noong December 1972.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AP