Walang dahilan para magselos si Sarah Geronimo sa bed scene ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli at ex-girlfriend nito sa pelikula.
Ito ang siniguro ni Matteo sa kanyang kasintahan sa gitna ng balitang matindi ang naging sexy scene ni Matteo at baguhang artistang si Alex Godinez.
Ayon kay Matteo, artista rin si Sarah kaya naman naiintindihan nito ang kanyang ginawa para sa kanyang upcoming movie na pinamagatang Across the Crescent Moon.
Siniguro pa ni Matteo na buong-buo ang kanyang pagmamahal sa kanyang kasintahan.
Sa kabila nito, ibinahagi naman ni Matteo na excited din syang makasama sa pelikula ang kanyang ex na kanyang nakarelasyon sampung (10) taon na ang nakaraan.
By Rianne Briones