Mariing ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara sa mga malalaswang website sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ginagamit kasi ang mga menor de edad sa child pornography at pang-aabuso.
Una rito, inirekomenda ng DICT o Department of Information and Communications Technology ang pagpapasara sa mga porn site na paboritong tambayan ng mga pedopilya.
Magugunitang iniutos na rin ni Pangulong Duterte ang pagbabawal sa mga online gambling dahil maliban sa hindi nagbabayad ng buwis ay maraming nang nagugumon sa naturang bisyo.
By Jelbert Perdez