Pinaplano ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority na palawigin hanggang hunyo ang no window hours ng number coding scheme.
Sinabi ni MMDA Chairman Tim Orbos, napaikli ng no window hours ang oras ng biyahe sa Metro Manila magmula nang ipatupad ito noong Nobyembre.
Kaugnay nito, ilulunsad din ng MMDA ang zipper lane sa EDSA southbound mula Main Avenue sa Cubao patungong EDSA Ortigas, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 11:30 ng umaga.
Magkakaroon ng dry run nito sa Biyernes at nakasalalay sa magiging resulta ang paglalagay ng zipper lane sa northbound.
By: Avee Devierte