Nababahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Lorenzana na bagamat gumaganda na ang relasyon ng China at Pilipinas, kailangan pa ring protektahan ng bansa ang interes nito sa pinag-aagawang teritoryo.
Partikular na kinuwestion ng kalihim ang napaulat na presensya ng mga armas ng militar ng China sa mga isla sa West Philippine Sea na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, kailangang magpaliwanag ng China sa Pilipinas, bilang kapwa signatory sa UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Seas.
Iginiit pa ng kalihim na ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito ay sinang-ayunan ng permanent Court of Arbitration sa ruling nito noong July 16, 2016 matapos maghain ng pormal na reklamo ang Pilipinas.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal