Nakakaapekto pa rin sa ilang lugar sa bansa ang tail-end o buntot ng cold front.
Gayunman, inalis na ng PAGASA ang ipinalabas nitong heavy rainfall advisory sa Mindanao.
Hinimok naman ng weather agency ang publiko na i-monitor ang mga ulat panahon sa mga susunod na oras.
Samantala, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa ilang parte ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Compostela Valley, Davao Oriental, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
By Jelbert Perdez