Naungusan na ni Senadora Grace Poe si Vice President Jejomar Binay sa Presidential survey ng Pulse Asia.
Sa naturang survey, lumalabas na 30 porsyento ng mga Pinoy ang susuporta kay Poe habang 22 porsyento lamang ang kay Binay.
Pumapangatlo naman sa survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 15 porsyento na sinundan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Manila Mayor Joseph Estrada na kapwa may tig-sampung porsyento.
By Ralph Obina