Nakapasa na sa committee level sa Kamara ang kontrobersyal na Traffic Crisis Act o ang panukalang emergency power.
Ito ay ang kapangyarihang ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang matinding problema sa trapiko sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Metro Manila.
Ayon sa report, inaprubahan ang panukala matapos ang 12 pagdinig ng House Transportation Committee sa pamumuno ni Catanduanes Representative Cesar Sarmiento.
Unang nakilala bilang emergency power, binago at tinawag na ito ngayong ‘special power’.
Nakatakda namang isangguni sa House Appropriations Committee ang panukala para sa budget component nito.
Report from: Jill Resontoc (Patrol 7)
Photo Credit: AFP