Hinamon ni Buhay Partylist Representative Jose “Lito” Atienza si House Speaker Pantaleon Alvarez na pangalanan ang dalawang kongresista na nasa Narco-List ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atienza, dapat na gawin ito ni Alvarez sa ngalan ng transparency.
Suportado naman ni Minority Leader at Quezon Representative Danilo Suarez ang naturang panawagan ni Atienza.
Una nang sinabi ni Alvarez na dalawang incumbent congressmen ang nasa Narco-List ng Pangulo kung saan isa rito ay taga-Mindanao.
By: Meann Tanbio