Ipinagkibit-balikat lamang ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang bansag sa kanya na “activist bishop” dahil sa mga pahayag niya kaugnay sa mga pambansang isyu, partikular na ang extrajudicial killings.
Sinabi ni Bishop Pabillo, mas nanaiisin niyang tawagin siyang aktibista at boses ng taumbayan kaysa manahimik.
Aniya, hindi niya itinuturing na insulto ang matawag na aktibista lalo’t hindi lang para sa pansariling kapakanan ang ginagawa niyang pagkontra sa extrajudicial killings.
Kaugnay nito, hinikayat ng simbahang katolika ang publiko na makiisa sa Walk for Life sa Maynila sa Pebrero 18 bilang pagpapakita ng pagkondena sa extrajudicial killings.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco