Ipinahayag ni House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento na irerefer niya sa House Appropriations Committee ang kapapasa lamang na emergency power na kung tawagin ngayo’y special power.
Sinabi ni Sarmiento na mayroong budget component ang naturang panukalang batas dahil sa mga proyektong inihain ng iba’t ibang departamento ng pamahalaan na layong tumugon sa suliranin sa trapiko.
Kailangan aniyang malaman kung magkano ang ilalaan sa bawat departamento.
Gayunpaman, hindi tinukoy ni Sarmiento kung kailan nya isusumite ang kanyang committee report sa House Committee on Appropriations.
Una nang naipasa ng House Transportation Committee ang traffic crisis act.
Sa halip na emergency power, special power na ang ibibigay ng panukalang traffic crisis act: makiisa, makisama, magkaisa.
Sa ilalim ng panukalang kalulusot lang sa committee level sa Kamara, kalihim ng Department of Transportation ang magiging traffic chief na siyang mamamahala sa lahat ng programang pang-imprastraktura at direktang mangangasiwa sa trapiko.
Kaugnay nito, mayroong kapangyarihan ang traffic chief sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Metropolitan Manila Development Authority, Cebu Coordinating Council, Philippine National Police Land Transportation Office, at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc