Pinatawan ng isang taong pagkakabilanggo ang apat (4) na crew ng isang fishing company dahil sa pagnanakakaw ng mga isdang nagkakahalaga sa 16,000 piso.
Batay sa limang pahinang desisyon ni Judge Celso Magsino Jr. ng Malabon City Regional Trial Court Branch 74, napatunayang nagnakaw sina Jessie Alcomendraz, Leopoldo Sibolin, Jimmy Canilao, at Elorde Bañez.
Una nang sinampahan ni Assistant City Prosecutor Gilbert Cruz ng kasong qualified theft ang mga akusado noong 1998 makaraang ireklamo sila ng Lenvil Fishing Enterprises Incorporated ng pagnanakaw ng mamahaling isda tulad ng Tanguige at Pampano na nakaimbak sa kanilang warehouse.
By: Avee Devierte / Bert Mozo