Maganda ang intensyon at hindi kumplikado ang economic Cha-Cha na isusulong sa senado.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, hindi nila puntiryang baguhin o amiyendahan ang lahat ng economic provisions at sa halip ay idadagdag lamang ang mga katagang unless otherwise provided by law.
Sinabi ni Drilon na magbibigay ito sa dalawang kapulungan ng kongreso ng flexibility o laya sa dalawang kapulungan na makagawa ng batas na makakabuti sa ekonomiya nang hindi salungat sa konstitusyon kaya’t tiwala siyang kakatigan ito ng mga kapwa senador.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nila maaaksyunan ang economic Cha-Cha dahil pending pa ito sa kamara.
Una nang kinontra nina Senador Ralph Recto, Teofisto Guingona at Francis Escudero ang economic Cha-Cha.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)