Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang (2) kilo ng cocaine sa isang gusali sa Quezon City.
Sinasabing nakipag coordinate ang Australian Federal Police sa PDEA para marekober ang nasabing illegal drugs na itinago sa ceramic items.
Ayon sa PDEA, ipinabatid ng Australian authorities na naaresto na nila ang drug courier na si Corey Cornel Drew na siyang nagpadala ng package sa Pilipinas.
Isa pang package ang narekober ng mga otoridad sa Australia.
By: Judith Larino