Pumalo na sa limang milyong piso ang presyo ng kada kilo ng shabu.
Sinabi ni PNP o Philippine National Police Anti – Ilegal Drugs Group Chief Superintendent Albert Ferro, kumokonti na kasi ang suplay ng droga matapos ang pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban dito.
Ayon kay Ferro, dahil nagmahal na ang presyo ng shabu, kailangan na rin ng PNP ng limang milyong pisong show money para sa mga operasyon kontra droga.
By: Katrina Valle / Jonathan Andal