Posibleng tumagal pa hanggang sa susunod na linggo ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, apektado pa rin ng makapal na ulap dulot ng cold front ang eastern Visayas.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na walang namamataang bagyo na posibleng pumasok sa bansa.
Flash floods
Lumubog sa tubig baha ang ilang bayan at lungsod sa Visayas at Mindanao dahil sa matinding buhos ng ulan.
Sa Baybay City sa Leyte, umabot na sa critical level ang antas ng tubig sa mga ilog dahilan nang agarang pag-evacuate ng mga residenteng nakatira malapit dito.
Ilang bahay ang lubog din sa baha at hindi madaanan ang ilang malalaking kalsada.
Samantala sa General Santos City, sangkaterbang basura ang humarang sa mga daan na naging dahilan din ng matinding trapiko.
Kaagad ding ini-evacuate ang mga residenteng binaha sa La Paz sa Agusan del Sur kung saan umabot na sa bubong ng mga bahay ang tubig baha.
By Judith Larino