Pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nito na suspendihin ng Siyamnapung (90) araw si Pangasinan Provincial Accountant Arturo Soriano dahil sa umano’y iregularidad sa interim maintenance contract ng MRT 3.
Ito’y makaraang ibasura ng Third Division ng anti-graft court ang depensa ni Soriano na kinasuhan siya bilang pribadong indibidwal at hindi bilang public official.
Iginiit ng Sandiganbayan na ang ipinataw na preventive suspension kay Soriano ay mandatory alinsunod sa Section 13 ng Republic Act Number 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Si Soriano ay uncle-in-law ni dating MRT-3 General Manager Al Vitangcol.
By: Meann Tanbio