Hihilingin ng DOJ o Department of Justice sa Korte Suprema na ilipat sa Maynila ang pagdinig kaugnay sa madugong Mamasapano Incident noong Enero 2015.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nais nilang mailipat sa Maynila ang trial venue mula sa Cotabato City.
Pitumpu’t Pito (77) ang nasawi sa naturang engkwentro, kabilang ang apatnapu’t Apat (44) na miyembro ng PNP Special Action Force.
Kaugnay nito, wala pang naisasampang kaso ang DOJ sa pagkamatay ng siyam (9) na miyembro ng 84th SAF company sa barangay Pidsandawan dahil sa kawalan ng testigo.
By: Meann Tanbio