Asahan na ang dagdag na pamumuhunan sa bansa simula ngayong 2017.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ito’y dahil sa gumaganda ang socio-economic at political landscape ng bansa na siyang pinagsisikapang makamit ng Duterte administration.
Batay sa Asia Business Outlook Survey for 2017, 39.4 percent sa mga respondent ang magdadagdag ng investments sa Pilipinas, habang 4.3 percent lang ang nagsabing babawasan nila ang kanilang pamumuhunan.
Sinabi ni Abella na malinaw at consistent ang Duterte administration na makamit ang tunay na paglago ng ekonomiya kaya’t aktibo ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte sa implentasyon ng mga reporma sa pagnenegosyo.
By Ralph Obina