Kumpiyansa ang DFA o Department of Foreign Affairs na magiging mas maganda at mas maayos ang magiging relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Kasunod ito ng pormal na pag-upo bilang Pangulo ng Amerika ni Donald Trump makaraang manumpa na ito bilang ika-45 Pangulo ng Amerika.
Batay sa ipinadalang liham ng dfa sa Washington, sinabi ni Asst/Sec. Charles Jose na bilang kaalyadong bansa, handa silang lalo pang paigtingin ang relasyon ng dalawang bansa.
Magugunitang sinugo ng Pangulo sila Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
By: Jaymark Dagala