Kinumpirma ni dating Miss Universe Sushmita Sen na magiging bahagi siya ng panel of judges ng 2016 Miss Universe pageant na gaganapin sa Pilipinas.
Ayon kay Sushmita, “excited” na siyang bumalik sa Pilipinas hindi bilang Miss India kundi isa na sa mga hurado ng pinaka-prestihiyosong beauty pageant.
Taong 1994 nang koronahan bilang Miss Universe ang noo’y 18 anyos na si Sushmita sa PICC sa Pasay City.
Samantala, kakatawan naman sa India si Roshmitha Harimurthy sa Miss Universe pageant sa coronation night sa January 30.
By: Drew Nacino