Dumalo sa inagurasyon ni US President Donald Trump sa Washington DC sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Ayon kay Andanar, ipinaabot sa kanila ang imbitasyon ng kaibigan ng kanyang lolo na si US-Philippines Society Founding Director Henry Howard.
Nagpaabot naman ng pagbati sina Andanar at Esperon kay Trump at umaasa ng matagumpay na pamumuno nito sa susunod na apat (4) na taon.
Umaasa rin anya ang Administrasyong Duterte na magiging matatag ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng pamumuno ni Trump.
By: Drew Nacino