Binatikos ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang ilang miyembro ng media sa tila pagsira sa kanilang kredibilidad.
Kaugnay nito, sinabi ni Dela Rosa na kung sino pa ang gumawa ng kasalanan, yun pa ang ginagawang bida ng ilang mamamahayag.
Matatandaang kinuha rin ang panig ng itinuturong mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo na si SPO3 Ricky Sta. Isabel at asawa niya.
Sa press conference ni Jinky Sta. Isabel, ipinakita niya ang ilang kuha sa CCTV at recorded phone conversation upang patunayang wala silang kasalanan.
By: Avee Devierte