Tiniyak ng NBI o National Bureau of Investigation na kanilang itutuloy ang imbestigasyon sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ayon kay Ruel Bolivar, hepe ng Anti – Ilegal Drugs ng NBI, ito ay kahit nasa kustodiya na ng PNP o Philippine National Police si SPO3 Ricky Sta. Isabel.
Kabilang sa inaalam ng NBI ang pagkatao ng isang “Jose Romar Salvador,” ang pangalan na inilagay sa death certificate ni Jee, dahilan para ito ay ma – cremate.
By: Katrina Valle / Aya Yupangco